Linggo, Hulyo 17, 2016

With My Success, You are With Me



Happy Graduation, isa ito sa mga araw na hihintay ko, naming dalawa. Alam niya kung gaano kahalaga sa akin ang araw na makakapagtapos din ako. 
*******************************************************************************

Its been a while.. This is my fourth month in my job and i can still remember those days na kahit nawala na ang mga kaibigan ko para suportahan ako sa huling araw ko bilang mag-aaral, ay may isang tao pading nandiyan para mag-aksaya para puntahan ako sa Ynares Center Antipolo at subaybayan ang aking pagtatapos.

Napakaraming bagay.. mga problema at pangyayari na ang nangyari sa buhay ko at lagi ko siyang kasama sa bawat paglalakbay ko. Hindi niya ako kinalimutang suportahan at gabayan sa bawat desisyong ginagawa ko. Hindi niya rin pinadama sa akin na mag-isa lang ako sa lahat ng pasanin na meron ako. Lagi ko siyang kasama. At dahil doon,,, labis akong nagpapasalamat sa kanya.

Hubby.. Maraming Salamat!!! 

Sa ngayon, alam ko na nandiyan ka pa din sa mga panahong inaahon ko ang pamilya ko sa paghihirap kahit na ang kapalit ay ang pagkawala ko ng oras sayo.. Alam ko namang nagtatampo ka na at marami na rin tayong bagay na hindi pinagkakaunawaaan. Sorry po para doon. Pero higit sa lahat,, hindi ka pa din nawawala sa tabi ko. Nawa'y lagi ka na ngang nandiyan sa tabi ko. Mahal na mahal po kita.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento